Piso Tales: My FanGirl Dream


CHAPTER 1

 

"Bes, si Jungkook!” Sigaw ko habang ina-alog alog ko si Trisha dahil sa sobrang kilig. “Ang gwapo niya bes, bakit ganon?” pulang pula na ang braso ni Trisha dahil sa mga kurot ko.

Ganyan ako mag fan girl.

Oo isa akong fan girl. K-Popfan girl ako at ang pinaka gusto kong korean boy group ay ang BTS o Bangtan boys. Fan din ako ng mga Korean dramas at kahit na ata ano basta tungkol sa Korea. Kulang na nga lang duon na ako tumira, eh.

“Stop over reacting, Aryesa. You’re just watching them in front of your computer screen. As if naman, nanunuod ka ng concert nila ng live.[1] ” Sabi ng rich kid kong best friend na english speaking pa. Minsan nosebleed na ako sa [2] kanya, eh. “Why don’t you just come with us every time we go to Korea? Para naman hindi puro sa computer screen ka na lang nag fa-fan girl.”

Para naman ganon kadali para sakin 'yon. Eh, hello? Hindi naman ako rich kid katulad nila. “I’m already okay with this setup.” Sabi ko na lang. “Makita ko lang ang BTS kahit sa screen lang, masaya na ako.”

In reality, I’m not really okay with this thing. Sino bang fan ang gusto hanggang sa computer screen na lang makita ang idols nila? I’m actually tired of being a typical fan girl but how could I step up my game if the thing that I need is money?

Yup, wala akong pera. Ang hirap kasi kapag poor kid ka lang.

Buti pa ang pimples madaling ipunin pero ang pera ang daling mawala.

“I hope you can come with us someday. It’s really good to watch them live plus Korea is worth visiting.”

I just smiled at her. Hindi ko kasi alam kung ano bang sasabihin ko sa [3] kanya.

Hindi ko alam kung makakasama nga talaga ako sa kanila sa Korea. It would take time [4] for me to achieve that goal. Baka nga hanggang pangarap ko na lang ang Korea.

Pag-alis ni Trisha, may bigla na lang ako napagtanto.

Kailangan kong gumawa ng paraan. Ayoko nang maging poor kid na lang forever. Kailangan kong kumita ng malaking pera para makapunta ako sa concert ng BTS at para makapunta na din ako sa Korea.

Ayoko nang maging typical fan girl na lang. ‘Yung[5]  umaasa na lang sa live streaming, sa YouTube at internet sa pag fa-fangirl. I need to step up. Kung hindi ko pa aabutin ngayon ang ultimate fan girl dream ko, kailan pa kaya?

Tama, kailangan ko silang makita. Hindi pwedeng hanggang pangarap na lang ako. Kailangan ko din kumilos kung gusto ko nga talagang makamit 'yon. Sabi nga ni Mama, "Hindi lalapit sayo ang pangarap mo, kailangan mong abutin 'yon."

Nag search agad ako sa internet kung paano makakaipon ng pera sa loob lang ng 3 months. Yes, that’s my timeline. Kasi after 3 months may concert na ulit ang BTS sa Korea at hindi ko na ‘yon pwedeng palagpasin pa. Once is enough and twice is much. Ayoko ng hayaan lumagpas ang chance na 'to.

Kinuha ko agad ang pen at board ko. Sinulat ko dun ang tatlong kailangan ko:

1.   Save

2.   Invest

3.   Sell things I'm not using

Nagsimula ako sa pag-iipon. Sa totoo lang magastos talaga ako, lalo na sa pagkain at sa mga K-pop merchandise. Minsan sakto lang sa sweldo ko yung nagagastos ko kaya wala talaga akong naiipon. This time, determinado na talaga akong mag-ipon. Kung dati limang Starbucks coffee ang binibili ko sa isang linggo, ngayon isa o wala na lang akong binibiling coffee sa isang linggo. Huminto na din muna ako sa pagbili ng mga K-pop merchandise para mas lalo akong makapag-ipon. To my surprise, ang laki ng naipon ko within a short span of time. Akalain mo, ganon pala ako kalakas gumastos tapos sasabihin ko pang poor kid ako?

Poor kid ako kasi wala akong ipon.

Every sahod ko na ngayon, nagtatabi na ako ng pera para ma-invest ko sa stocks. Akala ko nung una, kailangan mo ng malaking pera para makapag-simula sa stocks pero five thousand lang pala pwede na. Thanks to Trisha for teaching me how to invest sa stock market. Akala ko nga nung una puro hingi lang siya sa parents niya ng pera kaya nakukuha niya lahat ng gusto niya pero yun pala, nag i-invest din siya sa stocks at meron pa siyang online business.

Bongga ng best friend ko, business minded. Samantalang ako, nganga lang.

Where have I been all my life?

Nang nagpasabog ng pagiging maabilidad si God, siguro tulog ako non.

“Jungkook, just wait for me. Konting ipon na lang, makakapunta na din ako ng Korea. Konti na lang at mapapanuod ko na din ang concert niyo ng live. Konting ipon na lang at makikita ba din kita Jungkook, my loves?"

“Ayan kasi sabi ko sa’yo dati pa lang mag ipon ka na. Kung ano-anong pinagbibili mo.” Pangaral ni Mama sa akin. Alam ko na 'yon mother earth, alam ko na yung mga pagkakamali ko. “Pag butihan mo ang pag-iipon mo kung gusto mong makita si Kukook.”

Tama ba ang narinig ko? Kukook?

“Ma, Jungkook po, hindi Kukook."

“Ah basta, pare-pareho lang naman sila ng mga pangalan, eh. Kahit mga mukha nila pare-pareho .” Nalilito niyang sabi. Ang cute talaga ng Mama ko. "Basta K-pop, ayon na ‘yun.”

Mali si Mama, hindi sila pare-pareho. Iba si Jungkook para sa akin. Matagal ko nang ideal guy si Jungkook. Magaling kumanta, astig sumayaw tapos mala-anghel ang mukha. Ang bait pa niya sa fans niya at kahit sa mga taong nakapaligid sa kanya. Almost perfect na nga siya, eh. Too good to be true pa.

“Ibahin mo si Jungkook, Mama.”

Ginulo niya ang buhok ko. “Sige na, basta kapag may kailangan ka sabihin mo lang sakin. Kagaya ng mga sinasabi ng mga Koreans na ‘yan, hwaiting!”

“Hwaiting!” I said with full confidence.

Isang buwan na din simula ng mag-ipon ako. Oo, malaki na ang na-ipon ko pero kulang pa din siya para sa concert ticket, eh. Allowance ko pa sa Korea. Nawawalan na nga ako ng pag-asa dahil dalawang buwan na lang, concert na ng BTS.

Tinignan ko ang litrato ni Jungkok. Kapag nawawalan ako ng pag-asa tinitignan ko lang ang pictures nila ay nabubuhayan na ako.

"Aryesa, hwaiting lang!"

Inasikaso ko na ang passport at visa ko dahil alam ko na matagal ang pag-release non.

Right after that, nag plano na ako para sa garage sale ko. Madami na akong hindi nagagamit na damit at mga K-pop merchandise na nakatago na lang sa cabinet ko. Sa dami non, pwede pa siguro akong makabili ng plane ticket papuntang Korea. Kung nakinig lang talaga ako kay Mama dati pa, baka malaki na ang ipon ko ngayon. Dati ko pa sana nakita sila Jungkook.

What’s done is done, ang importante natuto na ako sa mga nagawa kong mali. Ayon naman ang importante eh, ang matuto tayo sa mga pagkakamali natin at itama natin ito.

Buong araw din akong nag garage sale. Ang swerte ko din dahil naubos naman lahat ng paninda ko.

I’m done with my list pero kulang pa din ang pera ko kaya nagpatulong na ako kay Trisha since wala na akong maisip pa.

“What if we sell K-pop merchandise? You love K-pop right?"

"So?"

"Sabi nila, kapag mahal mo ‘yung ginagawa mo, mamahalin ka din niya pabalik.” Sambit ni Trisha.

Nagkatinginan kaming dalawa. “Wow, hugot bes?” Pang-asar ako.

“Sadly, that doesn’t apply to love. Even if you love them that’s not a guarantee that they will love you back.”

“True, I second the motion.” Sagot ko. “Buti na lang si Jungkook, mahal niya ako."

Tinarayan agad ako ni Trisha.

“He doesn’t love you! Wag mong paasahin ‘yung sarili mo. He doesn’t even know you.”

I know he doesn't even know me but he said he loves his fans and I'm one of them, so meaning he does loves me. "Alam mo, ikaw, ang hilig mo sirain ‘yung moment ko. Are you really my best friend, huh?” I said.

Niyakap niya ako ng mahigpit. “Of course, I love you bes. Ayoko lang umaasa ka at masaktan ka katulad ko.”

I know where she’s coming from. Pinaasa kasi siya ng mga taong minahal niya. Sila yung mga taong pa-fall. They’ll make you feel that they love you and when you love them back, they’ll just leave you without any reason and that's the ugliest truth.

“Kaya nga sa mga K-pop idols na lang ako kaysa sa mga boyfriend at crush na ‘yan eh. Sa K-pop hindi ka masasaktan, kikiligin ka lang,” tinignan ko ang poster ni Jungkook. “Right, babe?”

Tumawa na lang si Trisha sa kabaliwan ko. Five years na din akong fan girl at sa loob ng five years na 'yon, wala akong pinagsisisihan.

Dumating nga lang ako sa point na kailangan ko nang mag step up sa pagiging fan girl. Kumbaga sa trabaho, I need to be promoted. Nakakapagod na din na puro daydreaming na lang ako, puro what ifs na lang.

What if makapunta ako ng Korea, what if maka-attend ako ng BTS concert, what if ma-meet ko si Jungkook in person?

Lahat naman ng what if, hanggang what if na lang kapag hindi mo susubukan maging totoo 'yon. Sabi nga, "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."

Tinulungan ako ni Trisha sa pag bebenta ng nga K-pop merchandise na binili namin online galing pang Korea. Friend ni Trisha ang isa sa mga may-ari ng shop kaya malaki ang discount namin.

“Bes, sakto na ‘yung pera ko! Sobra pa nga, eh.”

Umiyak na lang ako. Hindi dahil sa lungkot kungdi dahil sa saya. Finally, makikita ko na ang BTS at makakapunta na din ako ng Korea! Akalain mo dati parang suntok sa buwan lahat ng ito tapos ngayon, abot kamay ko na siya.

Konting steps na lang at nandon na ako sa goal ko.

“Jungkook, here I come!”

Hindi ko maipaliwanag 'tong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko talaga akalain na pwede ko palang matupad ang dating puro pangarap lang. Kahit sa panaginip hindi ko naisip na makakapunta akong Korea at makakapanuod ng concert ng BTS.

To: Trisha

Bes! Aprrove na 'yung visa ko! Korea here I come! Jungkook here I come! :-)

From: Trisha

I'm so happy for you, bes. Sorry I can't come with you. We have a family trip in France this week. Good luck sa trip and sa concert. I-uwi mo si Jungkook dito ha! ;-)

Medyo nalungkot ako na hindi ko makakasama ang best friend ko. Siya talaga ang naisip kong kasama don. As they say, "the show must go on."

Nanuod ulit ako ng mga concert video ng BTS. I can't help but smile. "Ilang araw na lang at hindi na ako magiging team bahay at team malayo. Magiging team concert na din ako. Finally, after how many years."

Tinitigan ko ang posters ng BTS na nakadikit sa buong kwarto ko. Grabe, ilang taon na pala nila akong fan. Sabi nila masama na daw ang sobrang pa-fan girl pero I made this thing as an inspiration while I'm studying. To prove them all wrong I graduated with honors. Kaya hindi talaga pwedeng sabihin na bad influence ang K-pop sa kabataan.

Tatlong araw na lang bago ang flight ko. Nag impake na agad ako at binaon ko na ang mga kailangan ko. Dinala ko 'yung BTS pillow ko tapos 'yung family picture namin para naman kapag na-miss ko sila, may titingan ako sa kwarto ko sa Korea.

"Hindi ako sanay na mawawala ka ng matagal at sa ibang bansa pa," naiiyak na si Mama pero niyakap ko na lang siya. "Mag-iingat ka doon ha? Bumalik ka dito wag ka mag TNT doon."

Si Mama talaga ang advance mag isip at puro din siya kalokohan parang ako. Like mother like daughter nga talaga.

"I'll be alright, mother earth. Don't worry about me. Baka nakakalimutan mo Mama, twenty three years old ako," Proud kong sinabi. "Kaya ko 'yan, hwaiting lang!"

"Group hug!" Sabi ni Papa at nag group hug kaming lahat. "Congrats and good luck in your trip, Aryesa!" Sigaw nila.

Sa totoo lang kinakabahan talaga ako. First time kong sasakay ng eroplano at pupunta sa ibang bansa na ako lang mag-isa pero lahat ng iba ko pang na fi-feel, natatabunan ng happiness at excitement.

Binilang ko talaga sa kalendaryo namin ang araw na hinihintay ko. Ang araw na aalis na ako papuntang Korea.

"Bye, anak. Mga bilin ko ha?" Paalala ni Mama. Actually that's her fifth time saying that. Halatang kinakabahan siya para sa akin. "Mag-message ka agad sa amin pagdating mo don."

Niyakap ko siya ng mahigpit para sabihin na magiging okay lang ako. I know she's just worried about me. First time kong pupunta sa ibang bansa at alam kong nag a-adjust din sila sa pag-alis ko.

Nagpaalam ba ako sa kanilang lahat? Excited akong pumunta sa plane. Umupo agad ako sa tabi ng bintana. Tumataas ang mga balahibo sa katawan ko. Sobrang excited na ako na kinakabahan.

Nag headphones na lang ako. Syempre nga kanta ng BTS ang pinakinggan ko. Mahaba pa ang byahe kaya pinikit ko muna ang mga mata ko.

Korea, BTS, Jungkook, here I come.

 

CHAPTER 2

 

I can't believe that I'm already here.

"Hello, Korea! Anyeonghaseyo!"

Napalakas ata ang boses ko dahil halos lahat ng tao sa plane, napatingin sa akin. Akala siguro nila baliw ako. Hindi ko na lang sila pinansin at bumaba na agad ako duon. Ang mahalaga naman, nandito na ako sa Korea.

Land of the morning calm.

Sobrang saya ko lang talaga dahil finally, nandito na ako sa bansa na pinapangarap kong puntahan. Ang tagal ko kaya itong inintay.

Nag selfie agad ako pagtapak ko pa lang sa Korea. Syempre nag-post agad ako sa Instagram ko.

Caption: Wuhoo! Hello Korea! #DreamComeTrue

Makapal na ang jacket ko pero nararamdaman ko pa din ang lamig. Buti na lang at saktong winter ang pag punta ko dito. Makakakita pa ako ng tunay na snow.

Dati puro styrofoam na durog 'yong ginagawa naming snow sa bahay. Ngayon mahahawakan ko na talaga 'yong totoong snow. Mas lalo pa akong na-excite.

Sinundo ako ng Tita ko sa Incheon airport. Sa kanila muna ako titira habang nandito ako para mas lalo akong makapagtipid. Ang mahal ng mga hotel dito sa Korea eh, baka mamulubi agad ako. Kailangan ko pa din mag-ipon para sa mga expenses ko dito atsaka pati sa goal ko na makapasyal sa Namsan Tower at makakain ng native food nila. Siyempre, para na din makabili ng souvenirs sa concert ng BTS.

"Buti naman nakapunta ka na din dito sa Korea. Ang tagal ka na naming hinihintay na makapunta dito, eh. What took you so long, Aryesa?" Tanong ni Auntie.

What took me so long?

Kung alam mo lang Auntie, ang hirap mag-ipon. Lalo na kapag nakakakita ako ng mga K-pop merchandise o kaya kapag nakakakita ako ng masasarap na pagkain. Hindi ko talaga maiwasan na mapagastos ng malaki. Shopping galore everyday kaya araw-araw din akong walang ipon. Ayan tuloy, delay na ang pagpunta ko dito.

Buti na lang talaga nakapag-ipon ako.

Ang pag-iipon kasi parang relasyon, hindi mag wo-work kapag hindi mo sineryoso.

"Ang dami pa kasing priorities Auntie, eh." Palusot ko na lang. Nahihiya kasi akong sabihin ang totoo sa kanya. I should have known better. "Kamusta po si Julia, Auntie?" iniba ko ang usapan. Julia is their only child. Half Korean siya kasi Korean ang napangasawa ni Auntie.

Speaking of marrying a Korean guy, iyon din ang goal ko. To marry a very handsome Korean guy someday. Kahit si Jungkook nga lang okay na sakin, hindi na ako magrereklamo pa.

I really wish it would be him but I know it would take a thousand shooting stars for my wish to come true.

Langit siya at lupa ako.

"She's with her Appa. They'll be visiting her Halmoni in Jeju."

Appa means father at Halmoni means Grandmother. As I've learned over those Korean Dramas I've been watching. Ganyan na ako ka-addict sa mga Korean dramas na pati language nila na-adopt ko na.

"Ah, I see."

Ilang beses ko nang sinubukan pumunta sa Korea dati pero wala talaga akong pera. Ayoko naman humingi sa parents ko kahit umasa sa Auntie ko dito. Ayokong maging pabigat. Mabigat na nga ako dahil sa taba ko, magpapabigat pa ako sa mga nakakatanda sa akin at sa magulang ko. Hindi man halata pero independent woman ako, I prefer to do things on my own.

Medyo moderno na yung bahay ni Auntie pero may feels pa din ng Korea. May sliding door pa din sila at may table pa din sila na sa lapag ka uupo. Parang sa mga Korean dramas lang.

"Sabi ng Mama mo, ayaw mo daw ng Kimchi kaya ipinagluto na lang kita ng rice cake. Kumain ka lang ng kumain, ha?"

Sa lahat ng Korean food, Kimchi lang ang hindi ko type. It's not because it's spicy since most Korean food is spicy, I just don't like it. Siguro dahil part pa din siya ng gulay family. Ayoko kasi ng gulay, eh.

"Thank you, Auntie."

Ang daming hinanda ni Auntie at medyo overwhelmed pa ako sa mga foods nila. Konti lang tuloy ang nakain ko. Buti na lang may Bingsu for dessert, para siyang halo-halo ng Pilipinas.

"Kamsamnida, Auntie." I said while bowing my head. "Ang sarap ng niluto niyo."

Kamsamnida means Thanks and bowing your head means respect. Kahit mga asal nila natutunan ko din sa mga Korean dramas na pinapanuod ko. Useful talaga na manuod muna ng mga K-dramas bago pumunta dito. You get to learn their culture.

Natulog ako ng maaga dahil buong araw ako maglilibot sa Namsan tower bukas at isa pa, napagod din ako sa byahe.

The next day, pinaghanda na naman ako ng madaming pagkain ni Auntie. Akala mo everyday fiesta sa bahay nila. Mukhang tataba ako kapag nagtagal ako sa bahay nila kahit karamihan ng food nila maanghang.

"Good morning Aryesa, any plans today?" She asked while giving me a lot of food. Papatabain ata talaga ako ni Auntie, eh. Hindi ako dapat maging mataba dahil baka hindi na ako mapansin ni Jungkook. "Gusto mo bang ihatid kita sa pupuntahan mo ngayon? Baka maligaw ka."

"Aniyo."

Aniyo means No.

Oh, 'di ba? Ang dami ko nang alam na Korean words.

"Okay na po ako Auntie. Gusto ko din naman ma experience ang Korea, all by myself. Isa pa gusto kong sumakay ng train at bus."

"You're such a fearless and independent woman. I'm so proud of you, Aryesa."

Wow, ang sarap naman pakinggan ng nga sinabi ni Auntie. Ang lakas maka-Taylor Swift ng Fearless word na iyon.

Yeah, I am fearless.

Nag-bow ulit ako sa kanya. "Kamsamnida, Auntie."

Nagpaalam na ako kay Auntie Mira. Binigyan niya ako ng map and emergency contract numbers ng Korea. Very prepared ang lola mo.

Sumakay lang ako ng train at bus papunta sa Namsan Tower; one of Namsan's famous tourist attractions. Meron din love locks sa Namsan tower kagaya sa Paris at syempre hindi ko yun papalagpasin. I need to put Jungkook's name together with mine in the padlock, para maging forever kami kahit na wala naman talagang forever.

Habang naglalakad ako sa Namsan tower, natutulala ako sa mga Koreans na nakikita ko. Sobrang kinis nga talaga nila, sobrang nahiya 'yong balat ko sa kanila. Sana kagaya sa kanila din ang balat ko. Siguro kung kasing kinis nila ako, mapapansin na agad ako ni Jungkook.

Korean people, how to be you po?

Pero masaya na ako sa kulay kong kayumanggi at pagiging Filipino ko. For sure, sawa na si Jungkook sa mga mapuputing Koreans kaya magsa-stand out ang mga katulad ko kapag nasa crowd. Chances are, he'll be able to notice me.

Sige lang Aryesa, mangarap ka pa.

Sabagay libre lang naman ang mangarap, eh. Ipagkakait ko pa ba 'yon sa sarili ko?

Natawa na lang ako sa mga pinag-iisip ko dito.

Nagutom na ako sa kakalakad. I decided to eat first. Naghanap ako ng murang makakain. Muntik pa akong mapakain sa mamahaling resto dito pero buti na lang disiplinado ako. I always need to put in mind that I need to save. I can't be broke while I'm still here. May concert pa akong pupuntahan, noh.

I bought some hotdogs and potato curls. Napanuod ko 'to sa isang TV show sa Korea. In fairness, mura lang siya compared sa kakainan ko sana pero masarap din naman siya. I'm kind of proud of myself for resisting expensive stuff. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko, gumastos sana ako ng katumabas na one thousand pesos.

Pagkatapos kong mabusog, nag decide naman akong sumakay ng cable car. Actually may fear of heights ako pero sabi nga nila ang way para ma over come mo ang fear mo ay gawin 'to.

Yeah, that's why I'm doing it now.

Bahala na si Batman basta sasakay ako dito.

Buong ride nakahawak lang ako ng mahigpit sa railings. Takot na takot ako pero kinaya ko pa din. I'm so proud of myself.

Pumunta agad ako sa bilihan ng love padlocks. Bumili ako ng isang padlock at naghanap agad ako ng pwesto kung saan ko siya ilo-lock.

Aryesa and Jungkook forever <3

Pinagkasya ko talaga siya sa isang padlock. If there's a will, there's a way. Kung may way nga lang din sa puso ni Jungkook, pinuntahan ko na.

Sobrang unforgettable ang trip ko sa Namsan. Most of my pictures says it all kahit na puro selfie lang siya.

In fairness to me, kalahati lang ng budget ko for this trip ang nagastos ko today. I'm now finally learning the art of saving.

Maaga akong umuwi dahil ayokong magpagabi at isa pa, ayokong mag alala sakin si Auntie. I'm still not familiar with the places and streets here so I better get home early.

Tulog na si Auntie ng makauwi ako, good thing I have their house key. I didn't wake her up, instead I put a note besides her bed that I'm already here. Again, ayokong maging pabigat kay Auntie habang nandito ako.

I've posted my pictures right away. Sa Facebook at sa Instagram pati na nga din sa Twitter, eh. OA na kung OA pero masaya lang talaga ako.

Tumawag tuloy si Trisha. "Bes! I saw your pictures! I'm so happy for you!"

"Thank you bes, I wish you were here."

"Ugh, don't be sad. We'll go back there soon, okay? Just think of your vacation and think of the concert. Its just two days away! Aren't you excited?"

"Of course I am. I'm already thrilled about it. Imaginin mo, makikita ko na ang BTS tapos si Jungkook. Grabe excited na talaga ako!"

"Good for you. Well, I have to go. I just wanted to talk to you even for short time. I miss you, Aryesa. Take good care. I love you, bye."

Kaya nga best friend ko siya, eh. She's like a sister to me. She helps me in everything and she's one of the reasons why I'm here.

Pinikit ko na ang mata ko para matulog. Tomorrow is another day; another day to explore Korea.

The next day, I decided to go to Seoul Street. The place where native street food is being sold.

Sumakay ulit ako sa train.

People are talking too fast, I can't really understand what they're saying but one word caught my attention, "Jungkook" Tinignan ko ang mga Koreans na pinag-uusapan siya. They're all wearing BTS t-shirts and bonnets. Tinignan nila ako ng makita nilang nakatingin ako sakanila. Kinabahan ako bigla kaya umiwas na lang ako ng tingin sakanila.

Mas kinabahan ako ng nilapitan nila ako pagbaba ko ng train. Are they following me?

"Hi, we noticed you looked at us when we mentioned Jungkook. Are you a BTS fan?"

Tumango agad ako. "Yes, I'm also an ARMY."

ARMY ang tawag sa fans ng BTS.

"Jinja?" sabay-sabay nilang sabi.

Jinja is an expression they use, it means "really?"

"Are you going to the concert tomorrow?"

Tumango na lang ulit ako. Buti na lang fluent sila mag English kung hindi nosebleed ako sakanila.

"Here," they gave me a Jungkook banner with a concert light stick. Nagulat ako sa ginagawa nila. "Use that for tomorrow, okay?"

"Are you really going to give me these?" I asked with so much confusion. Ganito pala sila ka- generous. "It's too much." I said shyly.

"That's nothing, we do that every time BTS has a concert. We love to give BTS merchandise to our fellow fans. Enjoy the concert tomorrow."

Nag bow ako sakanila. "Kamsamnida."

I'm overwhelmed about what they did. Ang bait nila at sobrang mapagbigay. Natuwa din ako dahil makakatipid pa ako lalo dahil hindi ko na kailangan bumili pa ng concert light stick for tomorrow. Ang mahal pa naman ng mga merchandise nila.

Nang makarating ako sa food street nila, nag try agad ako ng mga pagkain nila.

I tried Samgyeopsal first, one of their famous food. Beef strips siya na pinalibutan ng lettuce tapos isasawsaw ko sa seasoning nila. This is one of my favorites. Madami nito sa mga Korean resto sa Philippine pero mas masarap pa din talaga yun Samgyeopsal sa Korea.

I also tried Japchae, Korean's stir fried noodles. Ang dami ko pang nakain actually at lahat sila masarap.

Ang nakakagulat lang, na budget ko siyang maigi kaya may natira pa ako sa pera ko.

After kong kumain, namili na ako ng mga pasalubong pero symepre 'yong pasok lang sa budget lang para hindi agad maubos ang pera ko. Puro keychains ang nabili ko na may nakalagay na Korea at iba’t-ibang design.

I felt tired so I decided to go home. Maaga akong natulog dahil kailangan ko ng lakas para bukas.

Para sa BTS concert.

CHAPTER 3

It's my third day here in Korea.

Ito na ang araw na hinihintay ko.

Sa wakas, makakapunta na din ako ng BTS concert. Makikita ko na din si Jungkook at ang iba pang BTS members.

Ito ang pangarap ng bawat K-pop fan girls, ang makita ng malapitan ang idols nila. Ang swerte ko at maaabot ko na mamaya 'yong pangarap na iyon. Ang ultimate fan girl dream.

Kaya siguro maaga akong nagising dahil sobrang excited na ako para sa concert mamaya. 5 AM pa lang dito pero gising na ako. It's not the usual me.

Nagulat ako ng makita ko si Auntie na gising na din.

"Ang aga mo naman ngayon, Aryesa?" tanong niya. Tinatali na niya ang sintas ng sapatos niya at mukhang mag jo-jogging siya. "Do you want to come with me?"

Tumango ako. Good thing I have running shoes ready kaya nakasama ako sakanya sa pag jo-jogging.

It's cold outside but it's bearable.

"Anong oras yung concert mamaya?"

"It'll start at 6 po but I'll be there at 4 pm."

Sigurado akong mahaba ang pila mamaya. Kahit reserved seating siya, may pila pa din para makapasok at ayokong ma-hassle mamaya kaya nag-decide ako na maaga na lang pumunta sa concert. Wala na din naman akong gagawin dahil tapos na akong maglibot. Sabi nga nila, "The early bird catches the worm."

"What makes them special to you, Aryesa?"

Napaisip din ako sa tanong ni Auntie. Ano nga bang dahilan at idol na idol ko ang BTS?

"It's their music and passion that makes them special to me. 'Yon ang rason ko kaya idol na idol ko po sila, Auntie."

Hindi naman hadlang yung language nila para hindi ko maintindihan 'yung mga kanta nila. Palagi kong tinitingnan yung mga lyrics nila sa internet. Hinahanap ko yung mga meanings nila at doon ko mas lalong na a-appreciate ang mga kanta nila.

Sila na din mismo ang nagsusulat ng mga kanta nila. At lahat sila dumaan sa formal training na inabot ng minimun na one to two years. Talagang pinaghirapan nila kung nasaan man sila ngayon.

"As long as they're inspiring you, that's good. I'm glad to see you like this, motivateds and passionate."

Coming from my Aunt Mira, that's a big compliment for me. Tinitingala ko kasi siya.

I never see myself as motivated and passionate as this. Iba din pala kapag may na-set ka na talagang goal sa buhay mo kaysa sa hindi mo alam kung saan ka papunta.

We ran for about two hours. Napagod  kaming dalawa ni Auntie Mira kaya binawi naming lahat sa pagkain.

Ang dami na namang hinanda ni Auntie para sakin. Gusto daw niya magsawa ako sa mga pagkain dito. Kung alam lang niya, hindi ako magsasawa sa mga pagkain dito.

I prepared myself for the concert. Mentally, physically and emotionally. I always wanted to be prepared for everything. Mahirap kasing magsisi sa huli dahil may mga bagay na hindi na pwedeng ibalik pa sa dati.

I packed everything I need later. Bottled water, extra t-shirt, concert light stick, banners and my camera. I want this to be one of my most memorable days. Ayokong masira ang moment ko na 'to. Ito na 'to, eh.

Pinilit ni Auntie na ihatid ako sa concert venue. Sa totoo lang nahihiya ako pero wala din naman kasi siyang gagawin kaya pumayag na lang din ako. Sayang nga kasi ubos na 'yong tickets, balak pa sana kasing sumama ni Auntie kaso sold out na talaga lahat.

"Take care, Aryesa. Keep me updated, okay?"

"Yes, Auntie, I will."

Buti na lang hindi pa ganon kadami ang tao sa concert kaya nakapila na agad ako pero wala pang ilang minuto, dumami na ang tao. Halo-halo na ang mga boses na naririnig ko, hindi ko pa maintindihan kasi ang bilis nila mag salita. Kahit na ganon, mas lalo akong na-excite.

We got all hyped up when we heard the music from inside. They're doing sound check right now and you can hear the fans shouting.

May sinasabi 'yong katabi ko pero hindi ko maintindihan lahat. Ang tanging naintindihan ko lang ay 'yong word na BTS at Jungkook, puro nga sila Jungkook, eh. Medyo kinabahan lang ako dahil parang umiiyak 'yong isang babae. Is there something wrong with Jungkook?

I didn't have the chance to ask because we were instructed to go inside the dome. We waited for more than half an hour but I know it was all worth it.

Pagpasok ko sa loob, naka-play na 'yong mga music videos nila. So habang naghihintay kami na mag start 'yong mismong concert may papanuorin kami.

Mukhang Koreans lahat ng katabi ko. Hindi pa ako nakakakita ng Pinoy sa concert. May umupong Amerikana sa tabi ko. All smiles agad siya sakin. Mukhang mabait siya.

"Hello, my name is Nikki. What's your name?" She's almost shouted because we couldn’t hear each other. Fans are singing along with the video. Halos wala na akong marinig kung hindi ang mga boses nila. "Can we be friends? We're seatmates, anyway."

"Sure, my name is Aryesa!"

Para kaming nag-aaway dahil pareho kaming nagsisigawan pero magaan na agad ang loob ko sakanya. I don't need to ask who her favorite member is because her shirt says it all; she likes Jimin. Kung ganyan ba naman kaganda, for sure mapapansin siya ni Jimin pero confident pa din naman ako sa itsura ko. I know Jungkook can also notice me. Iba pa din ang gandang pinay.

"Who's your bias, Aryesa?"

Bias means your favorite group member.

"My bias is Jungkook."

Kumunot bigla ang mukha niya. May kakaiba talaga eh, kanina pa.

May problema ba talaga kay Jungkook?

"I heard Jungkook will not be able attend the concert."

Napanganga ako sa sinabi niya. Parang may kung anong tumutusok sa puso ko. Totoo ba talaga lahat ng 'to? 'Yong bias ko pa talaga 'yong hindi makakapunta sa concert? Bakit? Bakit ang lupit ata sakin ng tadhana?

"I heard the staff talking about it awhile ago. I wish it's not true but they serious about it. I'm so sorry for that."

She tied to comfort me but that's no use. I cat help but to cry. Ang sakit sakit lang kasi na hindi ko pa din pala makikita si Jungkook. Akala ko nakuha ko na ang goal ko pero hindi pa din pala.

"Don't worry, the other boys will compensate for his loss."

I don't know what to say. Yeah, I love all of them but it's different when it come to Jungkook. He's my ultimate bias. He's always on top of the list.

"I'll try to enjoy the concert even if he's not here. I still need to support the group." I said. I tried to cheer myself up and be happy. "Let's enjoy the concert, okay?"

Buti na lang kahit papaano nandyan si Nikki. Kahit first time namin magkita ang bait na agad niya sakin. Masakit man, inalis ko na lang sa isip ko na wala si Jungkook dito. Tama si Nikki, the boys are still here with us and they're doing there best to give us a good concert.

Pinatugtog muna nila 'yong Dope na song. Halos mabingi ako sa mga tilian ng tao. Kahit ako napapatili na din lalo na ng lumabas sila isa-isa. They've left an empty spot that I believe is Jungkook's spot.

Akala ko darating pa siya o makakahabol pa pero sabi nila injured pa din daw siya. Medyo nawala na 'yong lungkot ko nang malaman ko ang rason. I want to see him but I prefer to see him when he's in good shape. Mas okay nang magpahinga na lang muna siya at magpagaling.

I still enjoyed the concert.

Naki-sing along ako sa nga kanta nila. Sumasabay din ako sa mga tilian ng fans. Masaya pa din naman kahit wala si Jungkook. Si Jimin ang kumanta ng mga lines niya. Ang galing nilang lahat. Kaya hindi ako nagsisisi na sila ang favorite group ko.

Si Nikki, kilig na kilig kay Jimin. Mas malakas pa siya tumili kaysa sa akin. Minsan nga nakukurot na niya ako sa sobrang kilig niya pero hindi naman ako nagreklamo dahil ganon din naman ako minsan kay Trisha kapag nanunuod ako ng concert sa Youtube.

"Oh Aryesa, I really enjoyed the concert. I hope you did too." Nikki said, looking so tired. Sobrang hyper niya kasi kanina, eh pero ang cute niya tignan. "You'll see Jungkook next time."

"I enjoyed it, don't worry." Totoo 'yon, nag enjoy pa din talaga ako. "Yeah, I wish I'll be able to see him next concert."

"You're from the Philippines, right?"

"Uhm, yeah. Why?"

"They'll be having another concert next year! I believe by that time, Jungkook will be there."

Naalala ko nga ang tungkol don. Akala ko rumors lang pero confirmed na siya. Pinakita sakin ni Nikki 'yong official statement ng company ng BTS.

Natuwa ako dahil may chance na akong finally makita si Jungkook.

"I need to go. Thank you for your time, Aryesa. Looking forward to our next meeting!"

Hindi muna ako nag text kay Auntie para magpasundo pero nagsabi akong tapos na ang concert. Gusto ko munang magkape at mag relax. Napagod man ako sa concert, gusto ko munang mag chill sa sikat na coffee shop dito sa Korea.

Tapos na ang goal ko, ang makapunta sa Korea at maka-attend sa concert ng BTS. What now?

Isa pa, pakiramdam ko may kulang pa talaga dahil hindi ko nakita si Jungkook. Kailangan ko ulit makapunta dito next year at makapunta sa concert ng BTS.

Kaso paano na?

Ubos na ang pera ko at wala na akong ipon ulit. Pang short-term goal lang kasi ang meron ako at hindi ko naisip ang long term goal.

Napabuntong hininga na lang ako.

"When will I see you, Jungkook?"

Napasandal ako sa upuan ko. I closed my eyes for a second and when I opened it, I saw Jungkook right in front of me.

Tinignan ko siyang mabuti at hindi pala siya si Jungkook. Kamukha lang pala niya, kamukhang-kamukha.

Bumabawi na ba sa akin ang tadhana?

"Kuya, bakit ang gwapo mo? Kamukha mo si Jungkook."

Hindi ko na napansin na napalakas na pala ang boses ko pero hindi siya tumingin sakin. For sure hindi siya nakakaintindi ng Tagalog. Malamang kasi Korean nga siya.

"Buti na lang hindi mo ako naiintindihan kaya pwedeng pwede kitang kausapin."

Natutuwa ako sa mga nangyayari. I'm not doing anything wrong, I'm just talking to him. It's just that I'm using my language.

"Alam mo bang hindi nakapunta si Jungkook sa concert ng BTS pero buti na lang nakita kita, kahit papaano feeling ko nagkita pa din kami."

Halos kami lang ang tao sa dulo ng coffee shop. Naglalaro ata siya sa laptop niya kaya hindi niya ako napapansin.

"Sana nga talaga Kuya nakita ko na lang si Jungkook, eh. Mas masaya ako for sure. Mas nag enjoy ako sa concert."

Napabuntong hininga ulit ako. It's depressing but I'm just trying to be positive

Tumayo na si Kuya pero buti na lang hindi pa din niya ako napapansin. Naglakad siya pabalik sa pwesto namin, akala ko may nakalimutan siya pero huminto siya sa harapan ko.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Yes?"

Tanong ko. Kabadong kabado ako. May nagawa ba akong masama? Napansin niya ba na tinitignan ko siya kanina? Is this the end of me?

"Kailangan mo ba ng kausap?"

Tanong niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.

"Tama ba talaga ako? Nag Tagalog ka, Jungkook look-a-like??

Sinara niya ang bibig ko na kanina pa pala nakanganga. Nakakahiya pa tuloy.

"Hindi pa din ba obvious?"

I'm so dead.

"At lahat ng sinabi mo, narinig at naintindihan ko."

Patay na talaga ako. Kung ano ano pa naman ang pinagsasabi ko.

Nag peace sign na lang ako sa kanya.

"Can I join, you?"

Kumunot ang noo ko. Gusto niya talaga akong samahan? Sa gwapo niya na 'yan? Sasamahan niya ang isang katulad ko. Kamukha na nga siya ni Jungkook, eh.

Hindi kaya siya masamang tao? Pero mukha namang hindi, eh. Mukha naman siyang mabait.

Siguro ito ang way ng tadhana para bumawi sakin.

 

CHAPTER 4

 

Ang saya ko na sana kasi nakakita ako ng kamukha ni Jungkook pero bigla na lang nag pop-up sa isip ko 'yong pangaral sakin palagi ni Mama.

"Don't talk to strangers. Kahit gwapong Korean pa 'yan, wag kang agad-agad magtitiwala. Mahirap na lalo dayo ka lang don sa lugar na 'yon."

Tama si Mama.

Baka mamaya may hidden agenda siya kaya lumapit din siya sakin at gusto niya pa talagang mag-join sakin.

Ang tagal kong hindi nakasagot sa tanong niya. Nakatingin lang ako sakanya tapos iniisip ko kung rapist ba siya or baka kasali siya sa budol-budol gang, Korean version.

"Alam ko na 'yong iniisip mo," umupo siya sa harapan ko. Sana tinanong niya muna ako kung okay nga ba na mag-join siya sakin. Kahit kamukha siya ni Jungkook, hindi ako magtitiwala sakanya. "Iniisip mo siguro ngayon na masamang tao ako. Akala mo siguro rapist ako or kung ano pa."

Ngumiti siya at natigilan ako. Nakakainis ha, kahit sa pag ngiti ba naman kamukha niya pa din si Jungkook.

Aryesa, wag kang papadala sa mukha niya. Iba na ang mamasamang tao ngayon. Mas mukha na silang mayaman ngayon. Ilagay mo sa utak mo ang mga pangaral ni mother earth mo.

"Paano mo nalaman ang iniisip ko?" Pag-tataray ko. Tinignan ko talaga siya ng masama. Baka nire-reverse psychology lang ako nitong lalaki na 'to.

"Nababasa ko dyan sa mga mata mo."

Ngayon, psychic na siya? Niloloko lang ata ako nitong Jungkook-look-alike, eh.

"Pwede ba, I don't talk to strangers!"

Oo, kahit kamukha mo pa si Jungkook my loves, I still don't talk to strangers. Mas importante naman ang safety ko. Baka kasi mag-take advantage sakin. I mean, kahit hindi ako maganda, maganda naman ang katawan ko, eh.

"You already did." Nginisian pa niya ako at parang nang-aasar pa siya. "Ikaw nga ang unang kumausap sakin, eh."

Namula ako bigla. Feeling ko kasi napahiya ako sa sinabi niya. Totoo naman kasi eh, ako naman talaga ang unang kumausap sakanya tapos ako pa talaga magsasabi ng I don't talk to strangers. Very wrong ka dyan, Aryesa.

"Akala ko kasi Korean ka kaya hindi mo din ako maiintindihan. Nag vent out lang ako, okay?"

"Well, Korean nga ako. Half Pinoy, half Korean."

Kaya naman pala. Akala ko full-blooded Korean siya. Wala kasing bakas ng pagkapinoy sakanya.

Nag text na lang agad ako kay Auntie para sunduin ako dito sa coffee shop. Gabi na din at ayoko siyang mag-alala.

"Alam ko din nag ve-vent out ka kaya nag nag offer na lang ako if gusto mo ng kausap tapos susungitin mo pa ako."

Nagpapa-awa effect pa ata siya sakin. Hindi ko talaga alam kung magtitiwala ba ako sakanya pero since nasa public place naman kami, siguro wala naman siyang gagawin na masama sakin. Aaminin ko din, ang amo ng mukha niya. Hindi mo talaga siya maiisipan ng masama.

"Sorry na kuya. Nag-iingat lang naman ako, eh." Depensa ko na lang. Totoo naman, eh. "I'm Aryesa, and you are?"

"Jungkook."

Muntik na ako mabulunan sa sinabi niya. Tawa pa siya ng tawa. Maiinis na naman ako sakanya nito, eh. "You wish." Sabi ko.

"Easy, I'm just kidding. Pinapatawa lang naman kita. Hindi ko nga kilala 'yan si Jungkook, eh."

Seryoso? Hindi niya kilala si Jungkook or kahit ang BTS?

"Where have you been all my life, kuya?"

"Super Junior at BigBang lang ang kilala ko, the rest hindi na familiar sakin."

At least may kilala pa din siya.

"On a serious note, I'm Zion." Inabot niya pa sakin ang kamay niya. Nakipag shake hands na lang din ako sakanya. "Nice meeting you, Aryesa."

Ngumiti lang ako. Baka akalain niya close na kami kapag sinabi ko din 'yon sakanya. Ah basta, strangers pa din siya sakin.

"Question lang, na-disappoint ka ba na hindi ako full blooded Korean kaya ka nag susungit ng ganyan sakin?"

"Hindi 'yon ang dahilan. Bigla kasing nag pop-up sakin 'yong pangaral sakin ng Mama ko na wag agad magtitiwala sa mga hindi ko kilala lalo’t dayuhan lang ako dito."

"Tama naman ang Mama mo, eh. Tama lang din na wag ka agad magtiwala sakin dahil baka mamaya rapist ako or serial killer pero wag kang mag-alala kasi last time I checked, mabait naman ata akong tao."

Sa totoo lang, mukha talaga siyang mabait. Syempre kamukha niya si Jungkook, eh. Mukhang anghel ang lalaki na 'yon.

"Idol mo ba yang si Jungkook? May picture ka ba niya para naman makita ko kung kamukha ko nga talaga."

Pinakita ko sakanya 'yong mga pictures ni Jungkook. Tumatango lang siya sa bawat litratong nakikita niya.

"Oo nga hawig ko siya. Akalain mo 'yon, may kamukha akong K-pop idol."

Nagtaka ako bigla. "Wala pa bang nakapagsabi sa'yo na kamukha mo siya?" Imposible naman kasing wala kasi talagang kamukha niya si Jungkook my loves.

"Sa totoo lang, madami na pero wala akong interes kay Jungkook na 'yon kaya hindi ko na din siya kinilala."

"Excuse me, wala din interes sayo si Jungkook." Pagtataray ko. Ayokong may sinasabing negative kay Jungkook. "Buti nga kamukha mo siya, eh."

Tumawa na lang ulit siya. "Alam mo ang cute mo." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Wala naman akong ibig sabihin na masama sa idol mo. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi naman lahat ng tao pareho ng hilig niyo, 'di ba?"

Sabagay may point ng naman siya. 'Yong sinabi niyang cute ako, hindi ko alam kung totoo 'yon or sarcasm lang.

"Fine, you have a point."

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Naaalala ko na naman kasi 'yong nangyari sa concert. 'Yong fact na hindi ko pa din nakita si Jungkook.

Ang tagal kong nanahimik. Nalungkot na naman kasi ako, eh.

"Alam ko bakit ka nag mumokmok dyan? Pwede ka naman ulit pumunta sa concert nila at for sure nandon na 'yang si Jungkook. It's not the end of the world, anyway."

May point na naman siya. Babalik na lang ulit ako sa proseso ko ng pag-iipon ko ng pera. "Mag iipon muna ako para don."

"Ano bang sideline mo maliban sa work mo?" Tanong niya. "Kung may luho kang ganyan dapat may extra income ka. Not unless, sobrang laki ng sahod mo."

"May online shop na ako."

Sinabi ko sakanya lahat ng pinagdaanan ko para makapag-ipon ako ng pera para sa concert at para sa pagpunta ko sa Korea.

"Ikaw, ano bang luho mo at anong sideline mo?"

Napahawak siya sa baba niya ba tila ba nag-iisip siya. "Siguro luho ko na ang pag-travel sa iba't ibang bansa." Kinuha niya ang laptop niya sa bag at iniharap niya ito sa akin. "Food and travel blogger ako, photographer din ako at 'yong mga kuha ko sa iba't ibang bansa, ginagawa kong album tsaka ko binibenta. May investment din ako sa stock market. Madami pa akong gustong gawin pero mas focused muna ako sa blog ko."

I'm totally blown away.

Akala mo ganyan ganyan lang siya pero bigtime naman pala siya. Ang ganda ng blog niya at ang galing niyang kumuha ng litrato.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko.

"Twenty one, ikaw?"

Seryoso? Same lang kami ng age pero mas madami na siyang achievement kaysa sakin. "Same lang." sagot ko. "Tanong ko lang, may kinikita ka ba sa pag ba-blog mo?"

Ngumiti siya sakin. "Kumikita ako dahil sa advertisements sa blog ko. Mas madaming nagbabasa sa blog mo, mas madaming advertisers na lalapit sayo para mag pa-advertise."

Tumango tango na lang ako. Ganon pala 'yon. Tingin ko naman isa na siyang sikat na blogger. Ang ganda kasi ng mga kuha niya. Ang talented naman pala niya.

"At the same time, 'yong laman naman ng blog ko ay mga bagay na gusto ko din gawin. Mag travel at kumain." Dagdag pa niya.

Nakakamangha siya dahil sa murang edad niya ang dami na niyang nagagawa. Sana katulad din niya ako. Madiskarte sa buhay pero madaming bigas pa ata ang kakainin ko dahil mag-ipon pa nga lang nahihirapan na ako.

"Aling bansa na 'yong mga napuntahan mo?" Tanong ko. "Puro Asia lang ba?"

"South Korea, China, Japan, Taiwan, Hongkong, Singapore, Thailand at Malaysia. France, Italy, Greece, US, Canda, Australia tsaka United Kingdom."

Halos lahat ng sinabi niyang bansa, gustong gusto ko din mapuntahan. Syempre nasa unahan ng listahan ang South Korea.

"Nakakainggit ka naman," sambit ko. "How to be you po?"

Tumawa na lang ulit siya sakin.

"Don't try to be me, be better than me." Malalim na mga salita. Ang lalim ng meaning. "Always be better than yesterday."

"Be better than you? Nako, baka abutin ako ng ilang taon. Ang successful mo sa buhay samantalang ako, mag-ipon pa lang ng ticket sa concert at plane ticket papunta dito, hirap na hirap na ako." Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Buti ka pa, ang galing mo."

"You can do what I'm doing, all you need is discipline and determination."

Seryoso niyang sabi. Feeling ko malalim siyang tao. There's more underneath that pretty face. Habang tumatagal na kausap ko siya, gumagaan ang loob ko sakanya. Mukha baman kasi talaga siyang matino.

"Sabi nga nila 'di ba, kung gusto may paraan at kung ayaw madaming dahilan." Dagdag pa niya. "Kung gusto mo talagang maging kagaya ko, gagawa ka ng paraan."

Napaisip ako sa sinabi niya. Tama siya, hindi imposible na magawa ko din 'yong mga ginagawa niya. Kailangan ko lang ng disiplina sa sarili ko taska kailangan kong maging determinado pero sa tingin ko naman magagawa ko 'yon dahil nagawa mo ngang pumunta dito eh.

Naputol na ang pag-uusap namin ng dumating na si Auntie sa coffee shop.

Huminto siya sa harapan namin at napatingin siya kay Zion. "Zion, kilala mo na pala si Aryesa?" Nagtataka niyang tanong.

"Tita ngayon ko pa lang po siya nakilala, dito sa coffee shop."

Magkakilala pala silang dalawa. Sino naman si Zion sa buhay ni Auntie? Wag mong sabihin na kamag-anak namin siya?

"Ah ganon ba," sabi ni Auntie. Pinaupo ko siya sa tabi ko. "Aryesa, siya nga pala si Zion, friend ni Julia taska family friend namin ang family niya."

So that confirms na mabait naman pala siyang tao. Hindi naman siya magiging kaibigan ng pinsan ko kung masama siya.

Paranoid lang talaga ako pero mas mabuti na 'yon para mas safe ako.

"Zion, pamangkin ko siya. Si Aryesa. She's here for vacation."

"What a small world nga naman," sambit ni Zion. "Hanggang kailan ka magbabakasyon dito, Aryesa?" Tanong niya.

"Dalawang araw pa ako dito." Sagot ko. "Ikaw ba bakasyon ka lang din dito? Or dito ka nakatira?"

"Sa Philippines na kami naka-base dahil nandon na ang family ko for business pero palagi akong pumapasyal dito."

Napatingin sakin si Auntie. "You know what? Kung wala naman gagawin si Zion, pwede ka niyang samahan mamasyal dito. What do you think, Zion?"

Ngumiti si Zion. Sa tuwing ngingiti siya naaalala ko talaga sakanya si Jungkook. Bakit ko nga ba kasi siya pinag-isipan ng masama?

"That's fine with me. If that's okay with Aryesa," tumingin silang dalawa sakin. "Okay lang ba sayo, Aryesa? Hindi ka na ba nag-doubt sakin?"

"Okay lang sakin," sagot ko. "Sorry talaga kanina kung iba iba 'yong mga naiisip ko sayo. Paranoid lang siguro ako."

"Well that's great, pumunta ka na lang ng umaga sa bahay. Ipagluluto din kita ng breakfast, Zion."

"Sige po Tita Mira."

"Sige, mauuna na kami." Paalam ni Auntie sa kanya. "Goodbye, Zion. Take care."

"Ingat din po kayo, Tita." Humarap siya sakin. "See you tomorrow, Aryesa."

"See you, Zion."

Umalis na kami sa coffee shop. Nag stay pa ata don si Zion at mukhang may sinusulat siya sa blog niya.

Hindi maalis ang ngiti sa mukha ko. Nawala na din 'yong lungkot ko dahil hindi ko nakita si Jugkook. Kahit Jungkook-look-alike lang ang nakita at nakausap ko ngayon, okay na din sakin 'yon.

Ang bait talaga ni God.

Nakaramdam ako ng excitement para bukas. Feeling ko kasi non si Jungkook talaga ang kasama ko.

Ang buhay talaga ng tao, minsan nasa ilalim pero taas at taas pa din ito. Just be positive in life.

Kinabukasan maaga naman pumunta si Zion sa bahay nila Auntie. May dala siyang kotse kaya mas naging madali ang pag-iikot naming sa Korea.

Dinala niya ako sa mga kainan sa Seoul. Habang kasama ko siya, natuklasan kong matipid siya sa pera niya at talagang naka budget lahat ng expenses niya para sa araw na ‘to. Na touch nga ako dahil may nilaan pa talaga siyang budget para sa mga lakad namin.

“Alam mo ang galing mo, Zion. Mag kasing age lang tayo pero ang layo na ng narating mo.” Sambit ko.

“You can do the same thing, Aryesa. Determination and discipline is all you need.”

“May workshop ka ba sa mga ganyan? Turuan mo nga ako.”

Natawa siya sa sinabi ko. Nakikita ko na naman si Jungkook sakanya lalo na kapag ngumingiti siya. Lahat ng lungkot na naramdaman ko kagabi sa concert, nawala na.

“We can meet again in Philippines if you want to.” May nilabas siyang papel at sinulat niya don ang number at email address niya. “Can I have yours as well?”

Binigay ko din sakanya ang number at email ko.

“So, friends?” tanong niya at inabot niya ang kamay niya sakin. “Siguro naman napatunayan ko ng hindi ako masamang tao, ‘di ba?” nakangiti pa niyang sabi.

Oo, masasabi kong mabait nga talaga siyang tao at walang masama kung makikipag kaibigan ako sakanya.

“Friends.” Sagot ko at nakipag kamay ako sakanya.

Naging masaya ang last days of vacation ko sa Korea, thanks to my Auntie at kay Zion. Hindi ko akalain na magiging kaibigan ko si Zion pero masaya ako na nakilala ko siya dahil madami akong natutunan sakanya lalo na financially. Kung paano mag ipon at mag handle ng pera. Paano kumita ng extra at mga tips sa mga business.

“Thank you Auntie sa lahat. Don’t worry, dadalaw po ulit ako sa inyo.” Sagot ko. Ito na ang araw na babalik na ako sa Pilipinas. “Thank you din, Zion.”

“Take care, Aryesa. I hope you can come back again here.”

Niyakap ko si Tita at nag paalam na ako sakanila.

My experience here is one of the best. Hindi ko talaga makakalimutan ang lahat ng ‘to kahit pa hindi naka attend si Jungkook sa concert.

Sa susunod na concert nila, sisiguraduhin ko na makakasama na ako duon. Sa lahat ng mga natutunan ko kay Zion, hindi na ako mahihirapan makapag-ipon ng pera.

After one week, nakabalik na si Zion sa Pilipinas. Nagkita kaming dalawa at muling nag-usap tungkol sa binabalak kong itayong business na Korean inspired resto. Sobrang natuwa ako ng mag volunteer siya na maging investor sa resto ko. Kinabahan din ako at the same time na baka hindi ako maging successful pero sa tulong ni Zion, Trisha at ng pamilya ko, nagaawa kong mag tayo ng sarili kong resto, ang Samyesa, Korean restaurant.

May projector kami na nag play ng mga Korean music vidoes at may mga poster din kami ng mga Korean idols. Talagang feeling mo nasa Korea. Madali din nakilala ang resto ko dahil finiture ni Zion ang Samyesa sa blog niya na eventually, sikat sa Korea at sa Philippines.

I know this will be the start of everything.